Paano na? (Rofil Brion)

Sa Wakas
Umulan kahapon
At kahit napakainit
Nang tumila ito,
Kahit papaano
Naibsan ang pagkayamot
Sa napakaagang pagdating
Ng tag-araw.

Pebrero pa lamang
Nang magsimulang matuyo
Ang damo.
Dati-rati’y maginaw pa
Sa buwang ito.

At kahapon, nang umulan,
Maraming nakahinga nang maluwag.
Ngunit nang muling umaraw
Pagtila ng ulan,
Biglang namalayan
Na dati-rati’y
Hindi umuulan kung Marso.

Paano tatanggapin
Ang unang ulan ng Mayo
Na dati-rati’y
Matagal na hinihintay?

Ano ang gagawin
Kung mapaaga rin
Ang mga bagyo ng Agosto?

Paano kung guminaw na
At muling uminit
Bago dumating ang Pasko?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s