Sa Kainitan ng Hapong Tamad

Sa kainitan ng hapong tamad, isang Sabado,
wari mo’y nasa ekskursyon
ang dalawang batang binabagtas ang looban ng kalye.

Walang saplot ang mga paang pagod na sa kalalakad.

Sa panghahakot ng mga darak –
mga tira-tirang pagkain ng mga
masasaganang pamilya – kasama ang amin.

Ang maliit na batang
nasabak na sa maagang mukha
nang kahirapan ng buhay,
ay nakasunod sa payat na kasamang
nagtutulak ng kariton.

Ang plastik na kontiner
na kulay kupas na asul,
maluwalhating naka-upo sa trono’t
nag-uumapaw ang kasaganaan.

Hindi ba dapat sana’y
nasa bahay ang mga ito?
nagpapahinga, naglalaro o kaya nag-aaral?

Dapat. Sana.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s