Pagsabog sa Glorietta II

hindi na ito isang bagong balita
para sa kanilang mga nakikinig
at sa mga nagmamasid.

parang isang pelikula sa sine
o kabanata ng isang libro,
makailang beses ng naulit ito.

buhay na sinehan ang lansangan
at makatotohanan ang lahat.
ang pagganap ng mga aktor –
ang mga patay
ay totoong mga namatay.

ang pagsabog,
pagyanig ng paligid,
ang nakakabinging
katahimikan na sumunod.

ang usok, alikabok,
ang taghoy ng mga nadaganan.
ang mga sugat at dugo,
ang mga naputulan ng kamay,
ng paa,
ang mga naghihingalo.

sa inisyal na ulat, sinabing apat,
at naging anim at naging walo
hanggang umakyat sa labin-isang katao.

kung sinu-sino sila,
ay hindi na mahalaga,
huwag ng alamin.

apat na araw, anim na linggo
walong buwan, isang taon –

tulad ng mga naunang pag-uulat,
mga karakter sa napanood na eksena
sa sine at mga librong nabasa,

ay isang pahina  lamang ito
sa araw-araw na mga balita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s